Ads 468x60px

Saturday, 24 April 2021

THE BIBLE - UPDATES APRIL 25, 2021

 

THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD

  
 GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES APRIL  18, 2021


TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH 
SPIRITUAL SALVATION'S 
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
MESSAGE OF GOD
"PAMUMUHAY KRISTIYANO
PAMAMAHALA NG DIYOS"
"Huwag humusga magbahagi at magmalasakit"

"At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan s kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako'y magutom at inyong pinakain, nauhaw at iyong pinainom." Mateo 25:24-35

"Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo." "Bakit mo nakikita ang puwing sa ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata?"Lucas 6:38, 41

"Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Magiba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos kung ano ang mabuti, at nakalulugod sa kanya at talagang ganap." Roma 12:2




MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU 
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING

 ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NI KRISTO HESUS AT MGA APOSTOL.  ANG TEMA NA  "PAMUMUHAY KRISTIYANO PAMAMAHALA NG DIYOS" "Huwag humusga magbahagi at magmalasakit". ANG PAMAMAHALA NG DIYOS SA ATIN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG BUGTONG NA ANAK O PANGINOONG KRISTO SA PAGPAPAIRAL NG KRISTIYANISMO AY ATING PATULOY NA ISABUHAY SAPAGKAT ITO ANG NAKAKALUGOD SA KANYA. ANG MGA NAKASUSUNOD SA KANYANG KALOOBAN AY SIYANG MAY PAGASANG MALIGTAS SA ITINAKDA NIYANG PANAHON AT MAMUHAY NG MABUTI. SA HALIP NA HUSGAHAN NINYO ANG INYONG KAPWA AY MAMAHAGI NA LAMANG KAYO AT MAGMALASAKIT SA KAPWA LALO NA SA MGA LINGKOD NIYA SA PAMAHALAAN NA HINDI DAPAT UMAABUSO. NAIS NG DIYOS AY PAGTUTULUNGAN ANG ATING PAIRALIN SA HALIP NA MAGISIPAN NG MASAMA AT MATUTUPAD ANG UTOS NI CRISTO O TAYO AY MAGPALAGANAP NG PAG-IBIG SA PAMAMAGITAN NITONG MGA BAGAY NA ITO.

Sunday, 18 April 2021

THE BIBLE - UPDATES APRIL 18, 2021

  

THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD

  
 GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES APRIL  18, 2021


TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH 
SPIRITUAL SALVATION'S 
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
MESSAGE OF GOD
"Gabay ng Diyos sa Hanapbuhay at Materyal
na Bagay"

"Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpotng ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok." Mateo 7:7-8

"Ang mga tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay, at nagpasalamat sa Diyos. Pinag-pira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa tao. Gayon nga ang ginawa ng mga alagad. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Muli siyang nagpasalamat sa Diyos, at iniutos niyang ibigay din iyona mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nia ang mga pira pirasong tinay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakok na malalaki. At may 4,000 ang kumain. Pinayaon ni Jesus ang mga tao." Marcos 8:6-9

"At nagsama sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari arian. Ipinagbili nila ito at pinagbilhan ay ipinamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa." Gawa 2:44-45

"Ikakarangal ng dukhang kapatid ang pagkakataas sa kanyang ng Diyos. at ng mayamang kapatid ang pagkababa sa kanya, sapagkat ang kayamanan ay lilipas, gaya ng bulaklak ng damo." Santiago 1:9-10




MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU 
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING

 ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NI KRISTO HESUS AT MGA APOSTOL.  ANG TEMA NA "Gabay ng Diyos sa Hanapbuhay at Materyal na Bagay". NAIS NG DIYOS NA IPABATID SA LAHAT ANG GABAY NITO SA USAPIN NG HANAP BUHAY AT MATERYAL NA BAGAY. NAIS NG DIYOS NA HUWAG TAYONG MAGING MAIBIGIN SA SALAPI UPANG HINDI TAYO NITO IBULID SA KAPAHAMAKAN SA ATING PAGNANASANG YUMANA O MAGKAMAL NG SALAPI SA MASAMANG PARAAN O ANUMANG PARAAN. AYAW NG DIYOS NA MALAYO TAYO SA PANANALIG SA KANYA DAHIL SA SALAPI AT PAGNANASANG YUMAMAN. TAYO AY MAKUNTENTO SA MGA BAGAY NA ATING NATATAMO AT NATATAMASA UPANG HINDI TAYO MAGNASA NA MAGKAMAL NG SALAPI SA MASAMANG PARAAN. KUNG TAYO AY NAKAKARANAS NG KAGIPITAN SA BUHAY AY MAGING MAHIGPIT ANG PANANALIG SA DIYOS AT IBIBIGAY NIYA ANG ATING PANGANGAILANGAN SAPAGKAT HINDI NIYA TAYO IIWAN AT PABABAYAAN SA ATING PANANALIG. IPINAKITA NI PANGINOONG KRISTO HESUS ANG KABABALAGHAN NA BIYAYA NIYA SA MGA TAONG NASUNOD SA KANYA NG PAKANIN NIYA NAG 4,000 NANANALIG SA KANYA. AYAW NIYANG UMUWI NA GUTOM ANG MGA ITO KUNG KAYAT NAGHIMALA ITO SA KAKANIN NILA UPANG MAIBSAN ANG GUTOM.

ANG GUSTO NG DIYOS SA ATIN AY MAMUHAY TAYO NG NAAYON SA ATING KARAPATAN O PANGANGAILANGAN SA BUHAY. ANG BIYAYA NG DIYOS NA KALIKASAN O MUNDO AY SA ATING LAHAT AT ITO AY DAPAT NATING PAGSALUHAN NG AYON SA ATING PANGANGAILANGAN O KARAPATAN SA MAKABAGONG TERMINO NITO. MULA DITO SA PAGPAPAIRAL NG KARAPATAN O ATING PAGTAMASA NG PANGANGAILANGAN NATIN ANG NAIS NG DIYOS AY MAMUHAY TAYO NG PANTAY PANTAY SA MUNDONG ITO NA WALANG MAYAMAN O MAHIRAP.

Sunday, 11 April 2021

THE BIBLE - UPDATES APRIL 11, 2021

 

 THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD

  
 GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES APRIL  11, 2021


TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH 
SPIRITUAL SALVATION'S 
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
MESSAGE OF GOD
"Lingkod ng Diyos at Kristo Hesus"
sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at Paghahari ng Diyos mula Mabuting Balita

"Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at kanyang pinagbilinan: "Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil o alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ang ninyong malapit nang maghari ang Diyos." Mateo 10:5-7


"Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu't dalawa. Pinauna niya sila ng dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, "Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihn. Humayo kayo! Sinusugo k kayo na parang mga kordero sa gitna ng mga asong gubat." Lucas 10:1-3


"Sapagkat ganito ang ipinaguutos sa amin ng Panginoon; 'Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil Upang maibalita mo ang kaligtasan hanggan sa dulo ng daigdig.'" Gawa 13:47



MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU 
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING

 ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NI KRISTO HESUS AT MGA APOSTOL.  ANG TEMA NA "Lingkod ng Diyos at Kristo Hesus" sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at Paghahari ng Diyos mula Mabuting Balita". NAIS ANG ATING BANAL NA PANGINOONG DIYOS MULA PANGINOONG KRISTO HESUS NA IPABATID SA ATIN ANG PAGPAPALAGANAP NIYA NG KANYANG PAGHAHARI O KANYANG KALOOBAN SA LAHAT SA PAMAMAGITAN NG MGA LINGKOD NIYANG ISINUGO MULA PANGINOONG KRISTO HESUS NA KANYANG BUGTONG NA ANAK AT MGA APOSTOL AT LAHAT NG SUGONG LINGKOD PARA IPANGARAL ANG KANYANG PAGHAHARI AT KANYANG SALITA PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT SA KANYANG ITINAKDANG PAGHUHUKOM. ANG AMGA APOSTOL AT IBAT IBANG LINGKOD AY NAGSAKRIPISYO NG LUBOS UPANG MAIBAHAGI ANG KALOOBAN NG DIYOS O ANG MENSAHE NG KANYANG PAGHAHARI AT PAGPAPASUNOD SA LAHAT. MAY ITINALAGA ANG DIYOS SA ISRAEL PARA SA KALIGTASAN AT MAY ITINALAGA DIN SIYA PARA SA MGA HENTIL NA TINATAWAG O SA LABAS NG ISRAEL. SI APOSTOL SA SAN PABLO AY ISA SA TANGLAW NG MGA HENTIL PARA SA KALIGTASAN NA ISINUGO NG DIYOS PARA IPANGARAL ANG KANYANG SALITA AT PAGHAHARI.


ANG SALITA NG DIYOS AY LALAGANAP SA BUONG MUNDO AT ITO AY IPAPARATING SA LAHAT PARA MAGABAYAN SA KALIGTASANG ESPIRITWAL AT MAIPABATID ANG PAGPAPATAWAD NG DIYOS NA IGINAGAWAD SA ATIN. ANG MGA MANANALIG AY AT SUSUNOD SA SALITA NG DIYOS MULA KRISTO HESUS AY MALILIGTAS AT ANG HINDI AY MANANATILI ANG POOT NG DIYOS NA NAGHANDA NG PAGHUHUKOM SA TAKDANG PANAHON NA HATULAN ANG MGA HINDI NASUNOD SA KANYA. NAIS NIYANG MAPAGBIGYAN PA ANG LAHAT PARA ITINAKDA NIYANG PAGIISA NG LAHAT SA BAGONG LANGIT AT LUPA NA KANYANG INILAAN PARA SA LAHAT NG MALILIGTAS.

Saturday, 3 April 2021

THE BIBLE - UPDATES APRIL 04, 2021

 

 THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD

  
 GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES APRIL  04, 2021


TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH 
SPIRITUAL SALVATION'S 
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
MESSAGE OF GOD
"JESUS CHRIST RESURRECTION"
ANG PAGKATALO NG KAPANGYARIHAN NG DIABLO
AT KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN

"Muling binuhay n Diyos ang Panginoong Jesus, at tayo ma'y muli niyang bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan." 1Corinto 6:14

"Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang bumuhay kay Jesu-Cristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. " Roma 8:11

"Biglang lumindol ng malakas, Bumaba mulasa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at ang kanyang damit ay kasimputi ng busilak. Ngunit sinabi nito sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinhanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya'y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. " Mateo 28:2-6



MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU 
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING

 ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NI KRISTO HESUS AT MGA APOSTOL.  ANG TEMA NA "JESUS CHRIST RESURRECTION" ANG PAGKATALO NG KAPANGYARIHAN NG DIABLO AT KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. NAIS NG PANGINOONG DIYOS NA IPABATID ANG KANYANG PAGKAKALOOB SA ATING NG BAGONG BUHAY O PAGASA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. NAISAGAWA NA NG PANGINOONG KRISTO HESUS ANG PAGTALO SA KAPANGYARIHANG NG KAMATAYAN AT KAPANGYARIHAN NG DIABLO NA NAGDUDULOT NG KASALANAN AT KAMATAYAN. MAY PAGKAKATAON NA TAYO SA KALIGTASAN NG ATING MGA ESPIRITU O BUHAY NA WALANG HANGGAN. TAYO AY MULING BUBUHAYIN SA TAKDANG PANAHON NG DIYOS KAGAYA NG IPINAKITANG HIWAGA NG ESPIRITWAL NA PAGKABUHAY NG ATING PANGINOONG KRISTO HESUS. TAYO AY MULING BUBUHAYIN AT GAGAWING KATAWANG PANLANGIT. MAKAKAMIT NATIN ANG KALIGTASANG ITO KUNG TAYO AY MANANALIG SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG KRISTO HESUS AT ATING SUSUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN SA PAMAMAGITAN NG MABUTING BALITA.

 

UNTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY