THE BIBLE
EVANGELIZATIONS
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES NOVEMBER 30, 2025
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: LUMAPIT
SA PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG
PANGINOONG JESU CRISTO UPANG
MAGSISI AT DI MAPAHAMAK
"Dumating
noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang
ilang Galileo samantalang ang mga ito'y naghahandog sa Diyos. Sinabi
niya sa kanila, "Sa akala ba nninyo'y higit na makasalanan ang Galileong
ito kaysa lahat ng ibang mga taga-Galilea dahil sa gayon ang sinapit
nila? Hindi Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan
at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahatl " Lucas 13:1-5
"Ang
mga nagpapatuloy ng paggawa ng mabuti sa paghahangad ng karangalan,
kadakilaan at kawalang kamatayan ay bibigyan niya ng buhay na walang
hanggan. Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumilikha
ng pagkabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan,
Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama,
una, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego," Roma 2:7-9
"Huwag
kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo'y
mag-ibigan sapagka't ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan.
Ang mga utos, gaya ng, "Huwag kang mangangalunya, Huwag papatay, Huwag
kang magnanakaw, Huwag kang mag-iimbot," at alin pa mang utos tulad ng
mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap, "Ibigin mo ang iyong kapwa
gaya ng iyong sarili," Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama
kaninuman, Kaya;t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan," Roma 13:8-10
"Ang
nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag
ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sapagkat
ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa
paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at
nasadlak sa paghihirap ng kalooban. 1Timoteo 6:9-10
"Samantalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa pananampalataya." Galacia 6:10
MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING
ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NG PANGINOONG KRISTO JESUS AT PATOTOO NG MGA APOSTOL AT ANG TEMA NG MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS SA LINGGONG ITO AY "LUMAPIT SA PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU CRISTO UPANG MAGSISI AT DI MAPAHAMAK". NAIS
IPABATID NG ATING PANGINOONG DIYOS MULA SA PANGINOONG JESU-CRISTO NA
ANG LAHAT AY LUMAPIT SA ATING PANGINOONG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG
PANGINOONG JESU CRISTO AT MAGBALIK LOOB AT PAGSISIHAN ANG MGA
PAGKAKASALA UPANG HINDI MAPAHAMAK.
MAPAPAHAMAK
AT MAKAKARANAS NG KAPIGHATIAN ANG NAGPAPATULOY SA KALIKUAN. ANG
SUSUNOD SA PANGINOONG DIYOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN ANG TATAMUHIN.







