THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
Roma 7: 14-25
Ang Hilig ng Laman at Tuntunin ng Isip
14 Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan. 15 Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. 16 Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan. 17 Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. 18 Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawa ang mabuting ninanais ko. 19 Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa. 20 Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin.21 Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. 22 Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. 23 Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. 24 Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin? 25 Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Pangino- on! Salamat sa kanya!
Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan.
MY BIBLE INTERPRETATIONS AND OPINION
ON THE ABOVE BIBLE VERSES
ANG ARAL NA ITO NG BIBLE AY TUNGKOL SA ATING MGA PAGNANASA SA BUHAY NA

MULI AY SANAY NAGABAYAN KO NA NAMAN KAYO NG KALIWANGAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS SA ARAL NIYANG ITO AT SANAY ANG LIWANAG NG DIYOS O MILAGRO SA KALIWANGAN AT NI BANAL NA SANTA MARIA AT ANUMANG MILAGRO AY SUMAINYO DIN AT ATIN ITONG MASAKSIHAN NG SAMA SAMA HINDI LAMANG SAKIN SA AKING PANANALIG SA DIYOS AMA AT PANGINOONG JESUS KRISTO AT BANAL NA ESPIRTU AT BANAL NA SANTA MARIA...
GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL....
0 comments:
Post a Comment