Ads 468x60px

Monday, 22 June 2026

THE BIBLE EVANGELIZATIONS - UPDATES JUNE 21, 2026


  THE BIBLE
EVANGELIZATIONS
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
  
 GOD THRU JESUS CHRIST WORDS
AND SPIRITUAL TEACHINGS IN
LIGHTS OF GOD THRU BIBLE AND MIRACLES
LIGHTS AND OPEN UP YOUR EYES FOLLOWING THE
SPIRITUAL GOODNESS FOR YOUR SALVATION
UPDATES  JUNE  21,  2026


TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "GABAY AT ARAL
NG PANGINONG JESU CRITO 
SA MAYAMAN AT MAHIRAP PARA MAKAMIT 
ANG KALIGTASAN AT BUHAY NA WALANG HANGGAN" 

 
"16 May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

17 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos ng Diyos.”

18 “Alin- sa mga iyon?” tanong niya.
Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; 19 igalang- mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

20 Sinabi ng binata, “Sinunod ko na po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?”

21 Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” 22 Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata sapagkat siya'y napakayaman.

23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! 24 Sinasabi ko rin sa inyo: mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.” " Mateo 19:16-26

--------------

"13 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na paghatian namin ang aming mana.”

14 Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” 15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. 17 Kaya't nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! 18 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian. 19 Pagkatapos,- ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpakasaya!’

20 “Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ 21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”" 
Lucas 12:13-21

----------------------


"19 “May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. 20 May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman 21 sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. 22 Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing. 23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay,+ natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham. 24 Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’ 25 Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa riyan. 26 Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

27 “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap kong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, 28 sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ 29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga kasulatan ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang pakinggan.’ 30 Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila't tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’ 31 Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’” "
Lucas 16:19-31
 
 
-----------------

 
9 Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos, 10 at- gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. 11 Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan."  Santiago 1:9-11
 
 
-------------------------


""6 2 Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad+ ninyo ang kautusan ni Cristo.

7 Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya."" Galacia 6:2 7-10
 





MY INTERPRETATIONS AND OPINION GOD THRU 
JESUS CHRIST WORDS AND TEACHING

 ANG MGA ARAL NA ITO AT MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS MULA SA BAGONG TIPAN NG PANGINOONG KRISTO JESUS AT PATOTOO NG MGA APOSTOL AT ANG TEMA NG MENSAHE NG PANGINOONG DIYOS SA LINGGONG ITO AY "GABAY AT ARAL NG PANGINONG JESU CRITO  SA MAYAMAN AT MAHIRAP"  NAIS NA IPABATID NG PANGINOONG DIYOS MULA SA ATING PANGINOONG JESU CRISTO NA ANG MAYAMAN AT MAHIRAP AY PAREHONG SUNDIN ANG MABUTING BALITA AT MANALIG SA ATING PANGINOONG JESU CRISTO PARA MATAMO ANG KALIGTASAN.
 
ANG MAYAYAMAN AT SINUMAN AY MAGIMPOK O MAGSIKAP NG MAY PANANALIG SA ATING PANGINOONG DIYOS MULA SA ATING PANGINOONG JESU CRISTO UPANG MAGIMPOK TAYO NG KAYAMANANG ESPIRITWAL PARA SA ATING KALIGTASAN.
 
ANG PAGSUNOD NG MAYAMAN AT MAHIRAP SA PARTIKULAR SA KAUTUSAN AY HINDI DITO NAGTATAPOS PARA MALIGTAS AT MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN ANG SINUMNA KUNDI SUNDIN ANG GABAY NG PANGINOONG JESU CRISTO NA MAGTULUNGAN O MAGKAROON NG PAGMAMAHALA SA KAPWA.  

ANG MAYAMAN AT MAHIRAP AY MAGTULUNGAN AT HUWAG MAGSAWA SA PAGGAWA NG MABUTI UPANG MAKAMIT ANG KALIGTASAN.  KAYAT ANG MAYAYAMAN AT SINUMANG MAY KAYAMANAN AT PAGKAKALOOBAN NG DIYOS NITO ANG HIGIT NA MAY ITUTULONG SA MAHIHIRAP O SINUMAN KUNG KAYAT NAIS NG PANGINOONG DIYOS AT KRISTO JESUS NA SILA AY MAKATULONG AT MAGING SINUMAN AT ANUMAN ANG KALAGAYAN SA GAYON NAKAKAPAGIMPOK SILA NG KAYAMANANG ESPIRITWAL AT MAGING MAYAMAN SA PANINGIN NG DIYOS..

ANG MUNDO NA ITO AY PARA SA LAHAT AT PATAS NA ITO AY GINAWA NG DIYOS PARA IBAHAGI NG PATAS SA LAHAT.  GAYUNMAN AY MAY MAGKAKAIBA TAYO NG UGALI AT KAKAYANAN AT SITWASYON KUNG KAYAT MAY NAGHIHIRAP AT YUMAYAMAN AT DITO AY GINAGABAYAN TAYO NG DIYOS NA MAGTULUNGAN UPANG ANG KALOOB SA ATIN AY GAMITIN NATIN SA PATAS NA PAMUMUHAY.

NAGTAKDA ANG PANGINOONG DIYOS AT KUNG ANG SITWASYON AT PAGBABASEAN NG KALIGTASAN MULA SA KATATYUAN NG MAHIRAP AT MAYAMAN DAPAT MAKASUNOD SA KALOOBAN NG PANGINOONG DIYOS KAGAYA NG NANGYARI SA MAYAMAN AT KAY LAZARO NA SI LAZARO AY APING API AT NAIS MATULUNGAN AT HINDI SIYA NAG-ISIP NG MASAMA SA MAYAMAN PARA KUMAIN SUBALIT ANG MAYAMAN AY HINDI TUMULONG KUNG KAYA'T NG PAREHO SILANG NAMATAY SI LAZARO AY NALIGTAS AT ITONG NAGPASASA SA YAMAN  AT HINDI TUMULONG AY NAPASAIMPYERNO.

KAYAT ANG MAYAMAN AT MAHIRAP AY MAGTULUNGAN UPANG MAMUHAY NG MAAYOS AT MAY KALIGTASAN.  ANG PAGTULUNGAN NA ITO AY HINDI LAMANG SA INBIDWAL NA KAKAYANAN ,UNG MAGTULUNGAN NA ANG PAMAHALAAN AY MAGING MAHUSAY SA PAMAMALAKAD UPANG LAHAT AY MAMUHAY NG AYON SA KALOOBAN NG DIYOS KAGAYA NG MAMUHAY AYON SA KARAPATAN.  GOD LIGHTS ALL.  
 

SANAY MABIGYAN NG KALIWANAGAN AT MAMULAT ANG INYONG ISIPAN NG BIBLE AT SA TULONG NG MILAGRO NI SANTA MARIA SA ARAW AT APARISYON AT KALIWANAGAN MULA SA KALIWANAGAN NG DIYOS AT KRISTO HESUS PARA SA KABUTIHAN AT KALIGTASAN AT UPANG MAAWAT AT MAPIGIL KAYO SA ANUMANG MASAMANG GAWA SA KAPWA AT SUNDIN ANG ARAL NG BIBLIYA. KUNDI KAYO MAPIPIGIL NG BIBLE AT TULONG NG MGA HIMALA AT KALIWANAGANG ITO NA MILAGRO AY MAY PAGSUPIL ANG DIYOS SA MASAMANG GAWA SA IBANG ESPIRITWAL NA INTERBENSIYON AT PAGHIHIMALA HANGGANG HUKOM ANG DARATING SA INYO PARA SA KAPAKANAN NG MABUTI. MARAMI ANG ARAL NG DIYOS UPANG SAWATAIN ANG MASAMA AT MAY GOBYERNO DIN NA SUMUSUPIL SA MASAMA SUBALIT ANG MASAKLAP AY PINAPAMUGARAN NG DEMONYO ANG GOBYERNONG ITO. NAWAY ANG ARAL NG DIYOS AY SUNDIN NG MGA ITINALAGA DITO AT WAG GAYAHIN SI SATANAS NA TRAYDOR SA DIYOS AT KABUTIHAN NA KANILANG IPAPATUPAD NA UMAABUSO AT NAGSASAMANTALA SA TAO.

ANG MGA PAHIWATIG NA HIMALA MULA KALIWANAGAN AT MILAGRO NG APARISYON NI BANAL NA SANTA MARIA MULA DIYOS AT KRISTO HESUS AY SANAY MAKAGABAY AT TULONG SA INYONG PANANALIG AT MAAKAY KAYO SA MABUTI AT SANAY TULUYAN NA ANG KALIWANAGANG MILAGRONG GABAY NI SANTA MARIA AT APARISYON AY MAGMILAGRO MULA ATING PANANALIG AT PROMOSYON SUBALIT HIGIT NATING NASAIN NA SUMUNOD AT MANALIG SA BIBLIYA O ARAL AT SALITA NG DIYOS HANGGANG KAY KRISTO HESUS NA NAGPAKASAKIT AT ISINUGO NA SA IBAT IBANG PANAHON PARA SA GABAY NG BIBLE SA PAMUMUHAY NATING ITO SA PANAHONG ITO AT SANAY BIYAYAAN TAYO NG HUSTO SA PAGHIHIMALANG ITO AT GABAYAN TAYO SA ATING HENERASYON HANGANG TAKDANG PANAHON AY MAGLIWANAG SA ATIN ANG DIYOS NGAYON PA LANG.

KAAGAPAY NG KALIWANAGAN NI MOTHER MARY AT APARISYON AY HINIHIKAYAT NG THE BIBLE ANG LIPUNANG PILIPINO IN ALL CLASSES MULA MAYAMAN AT MAHIRAP AT MAGING PAMAHALAAN NA MAGKAISA AT SUPORTAHAN ANG PEACE PROCESS AT PAGREREPORMA NG ATING BANSA MULA PULITIKA AT EKONOMIYA ETC., ETC., NG PAMAHALAAN O GPH AT CPP-NPA-NDF AT MAGING SA GPH - MILF BBL PASSING AT ITO AY MAIPATUPAD NG PAMAHALAANG DUTERTE SA KASALUKUYAN AT MAMUHAY TAYONG LAHAT NG PATAS AT MAPAYAPA. ANG PEACE TABLE AY RIGHT VENUE PARA SA PAGBABAGO. ITO NA ANG PANAHON PARA DIYAN.... SANA'Y ATING PAIRALIN ANG MAKADIYOS AT MAKATAO AT MABUTING LIPUNAN. 


GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL



0 comments:

Post a Comment

 

UNTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY