THE BIBLE
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
GOD THRU JESUS CHRIST WORDS AND
SPIRITUAL TEACHINGS IN
PRACTICAL GOOD DEEDS WITH FAITH
Mateo 10: 1-42
22 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.
34 "Huwag ninyong isiping naparito ako
upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng
tabak, hindi kapayapaan.
35 Naparito ako upang paglabanin ang anak
na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at
ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae.
36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.
37 "Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang
higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang
anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
38 Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
39 Ang nagsisikap na mapanatili ang
kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang
buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito."