Ads 468x60px

Sunday, 23 February 2014

THE BIBLE TEACHINGS - PRACTICAL DEEDS WITH FAITH

THE BIBLE 
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE

MESSAGE TEACHINGS OF GOD

GOD THRU JESUS CHRIST WORDS AND 
SPIRITUAL TEACHINGS  IN 
PRACTICAL GOOD DEEDS WITH FAITH
ON FACING EVILDOERS AGAINST 
YOU AND OTHERS



Mga Sanhi ng Pagkakasala 

               1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Siguradong darating ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag ingat kayo!
               "Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo. 4 Kung pitong ulit siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at pitong ulit ding lumapit sa iyo at sabihin niyang, 'Nagsisisi ako,' kailangang patawarin mo siya."
 

Kung Magkasala ang Isang Kapatid
               15 "Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapa 
 

Saturday, 22 February 2014

THE BIBLE TEACHINGS


THE BIBLE
 SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
 

Hebreo 3: 1-19

Higit si Jesus kay Moises
               1 Mga kapatid sa pananampalataya at kasama sa pagkatawag ng Diyos, alalahanin ninyo si Jesus, ang Sugo ng Diyos at ang Pinakapunong Pari ng ating pananampalataya. 2 Tapat siya sa Diyos na pumili sa kanya, tulad ni Moises na naging tapat sa buonga sambahayan ng Diyos. 3 Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. 4 Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay. 5 Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon. 6 Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kaya't matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.

Sunday, 16 February 2014

BIBLE TEACHINGS


THE BIBLE  
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
 


Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret (Mateo 14:34-36)
               53 Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. 54 Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. 55 Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. 56 At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay



Pinagaling ang Anak ng Babaing Taga-Tiro
(Mateo 15:21-28)
               24 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lunsod ng Tiro. e Tumuloy siya sa isang bahay doon at ayaw niyang malaman ninuman na naroon siya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. 25 Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang inang may anak na babaing sinasapian ng masamang espiritu. Pumunta agad kay Jesus ang ina at nagpatirapa sa kanyang harapan. 26 Ang babaing ito'y isang Griego na Sirofenicia. Nakiusap ito kay Jesus na palayasin ang demonyong sumapi sa kanyang anak. 27 Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang ang mga anak muna ang pakainin. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso."
               28 Tugon ng babae, "Tunay nga po, Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak."               

Sunday, 9 February 2014

BIBLE TEACHINGS


THE BIBLE 
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE

MESSAGE TEACHINGS OF GOD
 

Hebreo 12: 1-29

Mga Babala at mga Tagubilin
               12 Dahil dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling.
               14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15 Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasama ang iba.
 
               28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok.


Monday, 3 February 2014

THE BIBLE - SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE


THE BIBLE 
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE

MESSAGE TEACHINGS OF GOD



2 Corinto 6: 1-18

Ang Pakikisama sa mga Di Sumasampalataya
               14 Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? 15 Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya? a 16 O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templong Diyos na buhay? Siya na rin ang maysabi,



 

UNTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY