Ads 468x60px

Saturday, 22 February 2014

THE BIBLE TEACHINGS


THE BIBLE
 SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
 

Hebreo 3: 1-19

Higit si Jesus kay Moises
               1 Mga kapatid sa pananampalataya at kasama sa pagkatawag ng Diyos, alalahanin ninyo si Jesus, ang Sugo ng Diyos at ang Pinakapunong Pari ng ating pananampalataya. 2 Tapat siya sa Diyos na pumili sa kanya, tulad ni Moises na naging tapat sa buonga sambahayan ng Diyos. 3 Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. 4 Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay. 5 Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon. 6 Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kaya't matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.
Kapahingahan Para sa Sambahayan ng Diyos
               7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,
"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,
8 iyang inyong puso'y huwag patigasin,
tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako.
9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10 Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko,
'Lagi silang lumalayo sa akin,
ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.'
11 Kaya't sa galit ko,
'Ako ay sumumpang hindi mararating, ang lupang pangakong aking inilaan.'"
               12 Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buhay. 13 Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang "ngayon" upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan. 14 Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang sumampalataya.
15 Ito nga ang sinasabi sa kasulatan,
"Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,
iyang inyong puso'y huwag patigasin,
tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos."
               16 Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises sa Egipto? 17 At kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at namatay sa ilang? 18 At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, "Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling ko"? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? 19 Maliwanag kung ganoon kaya't hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.

2 Pedro 3: 1-18

  9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.
       17 Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. 18 Magpatuloy kayong lumago sa kagandahang-loob at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.


MY BIBLE INTERPRETATIONS AND OPINION

ON THE ABOVE BIBLE VERSES



ANG ARAL NA ITO NG BIBLE AY TUNGKOL SA PANANALIG KAY KRISTO HESUS AT PATULOY NA PANANAMPALATAYA HANGGANG SA PANGAKO NG DIYOS AT TAYOY MAKAISA AT MAKAPAMAHINGA SA PILING NYA DUON SA BUHAY NA WALANG  HANGGAN.  ANG LAHAT AY PINAGBIGYAN AT YUNG MGA ISRAELITA AY INILIGTAS PA NGA SA MGA PARAON NUONG PANAHIN NI MOISES. SUBALIT ANG NILOOB NG DIYOS AY SUMUNOD SA KANYANG ARAL AT KAUTUSAN. MANATILING MABUTE AT MAMUHAY NG MABUTE HANGGANG SA PANGAKO NIYA.  AYAW NG DIYOS NA MAPAHAMAK ANG TAO AT PINAGBIBIGYAN NIYA TAYONG MAGBAGO UPANG MAKAISA SA BAGONG LANGIT AT LUPA.  SUBALIT KUNG ANG PANANALIG MO AY TATALIKURAN MO AT MAGPAPAKATIGAS KA NG ULO AY MAGAGAYA KA SA MGA SINAUANG TAO NA ISINUMPA NG DIYOS AT HINDI MAKAKAPILING SA KANYANG IPINANGAKO.

WAG DIN NATING PABAYAANG MAGING MASAMA ANG ATING KAPWA SA ATIN O MAGING SANHI TAYO NG PAGKAKASALA NG IBA AT MAWALAN NA SILA NG PANANAMPALATAYA.  MAGPAKABUTI SA PAMUMUHAY UPANG HINDI MAGING MASAMA ANG TAO NG DAHIL SAYO.  MAPALAD KA NAMAN KUNG NAGPAPAKABANAL KA AT NAGPAPAKABUTE AY INUUSIG KA, ARALAN MO SILA NG BIBLE AT IPAGDASAL SA DIYOS O IWASAN MO ANG MASAMA UPANG DI MAHAWA NG KASAMAAN.  AWATIN SILA SA SALITA NG DIYOS O KATWIRAN NG DIYOS.  KUNG INAARAALAN MO NA MAGPAKABUTE ON COMMON GOOD RATIONALITY AT MULA SA ARAL NG DIYOS AT MATIGAS PA RIN ANG ULO AY HINDI SILA NASAMPALATAYA SA DIYOS AT SILAY HINDI MAKAKASAMA SA PAGHAHARI NG DIYOS. 

IWASAN ANG KINANG NG PAGSIKAT SA MASAMA SA HALIP ANG ILAW NG DIYOS O ILAW NG SANLIBUTAN ANG LAPITAN AT LUMAKAD DITO UPANG BIGYAN NG BUHAY AT LIWANAG.  MAGING EHEMPLO SA KABUTIHAN SA PAGSUNOD KAY KRISTO HESUS O ARAL NG DIYOS KAY KRISTO HESUS. 


MULI AY SANAY NAGABAYAN KO NA NAMAN KAYO NG KALIWANGAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS SA ARAL NIYANG ITO AT GABAY NG ESPIRITU SANTO AT SANAY ANG LIWANAG NG DIYOS O MILAGRO SA KALIWANGAN AT NG BANAL NA SANTA MARIA AT ANUMANG MILAGRO AY SUMAINYO DIN AT ATIN ITONG MASAKSIHAN NG SAMA SAMA HINDI LAMANG SAKIN SA AKING PANANALIG SA DIYOS AMA AT PANGINOONG JESUS KRISTO AT BANAL NA ESPIRTU SANTO AT  BANAL NA SANTA MARIA. NAWAY ANG MILAGRO SA ARAW AT LIWANAG O APARISYON NG BANAL NA SANTA MARIA AT ANUMANG LIWANAG AT KABABALAGHAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AY MASAKSIHAN DIN NINYO PAG NAGSAGAWA AKO NG PRAYER RALLY O PAG SUMISIMBA AKO AT NAGDARASAL O SAAN MAN AKO NAROON O MANALIG DIN KAYO NG HUSTO UPANG GABAYAN DIN KAYO NG HIMALA..

SANA'Y ATING PAIRALIN ANG MAKADIYOS AT MAKATAO AT MABUTING LIPUNAN.  MULA SA MABUTING BALITA O SALITA NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS SANAY MAKAPAGPABUTI SA INYO AT PARA SA INYONG ESPIRITWAL NA KALIGTSAN SA KINABUKASAN. SANAY DI MAGDILIM ANG INYONG PANINGIN AT PANANAW SA KALIWANAGANG ITO NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AT TULONG NI SANTA MARIA.
 
 

GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL....


0 comments:

Post a Comment

 

UNTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY