Ads 468x60px

Sunday, 16 February 2014

BIBLE TEACHINGS


THE BIBLE  
SPIRITUAL LIGHTS GUIDANCE 
MESSAGE TEACHINGS OF GOD
 


Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret (Mateo 14:34-36)
               53 Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. 54 Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. 55 Kaya't nagmadaling nilibot ng mga tao ang mga karatig-pook at sinundo ang mga maysakit. Dinadala nila ang mga nakaratay sa higaan, saanman nila mabalitaang naroon si Jesus. 56 At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay



Pinagaling ang Anak ng Babaing Taga-Tiro
(Mateo 15:21-28)
               24 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lunsod ng Tiro. e Tumuloy siya sa isang bahay doon at ayaw niyang malaman ninuman na naroon siya. Subalit hindi ganoon ang nangyari. 25 Ang pagdating niya'y nabalitaan ng isang inang may anak na babaing sinasapian ng masamang espiritu. Pumunta agad kay Jesus ang ina at nagpatirapa sa kanyang harapan. 26 Ang babaing ito'y isang Griego na Sirofenicia. Nakiusap ito kay Jesus na palayasin ang demonyong sumapi sa kanyang anak. 27 Ngunit sinabi ni Jesus, "Kailangang ang mga anak muna ang pakainin. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga aso."
               28 Tugon ng babae, "Tunay nga po, Panginoon, ngunit kinakain din ng mga asong nasa ilalim ng mesa ang tira ng mga anak."               
29 Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, "Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."

               30 Umuwi ang babae at naratnan niya sa higaan ang bata. Iniwan na nga ito ng demonyo.


Ang Pagpapagaling sa Katulong ng Kapitang Romano
(Lucas 7:1-10)
               5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 "Ginoo, ang katulong ko po ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan." 7 Sinabi ni Jesus, "Pupuntahan ko siya at pagagalingin." 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, 'Pumunta ka roon!' siya'y pumupunta; at ang isa naman, 'Halika!' siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ginagawa nga niya iyon." 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin." 13 At sinabi ni Jesus sa opisyal, "Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya." Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Maraming Pinagaling si Jesus
(Marcos 1:29-34)(Lucas 4:38-41)
               14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat. 15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at ito'y gumaling agad, bumangon at nagsimulang maglingkod sa kanya.

               16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
"Inalis niya ang ating mga kahinaan, 
pinagaling ang ating mga karamdaman."




MY BIBLE INTERPRETATIONS AND OPINION

ON THE ABOVE BIBLE VERSES



ANG ARAL NA ITO NG BIBLE AY TUNGKOL SA PANANALIG KAY KRISTO HESUS SA KANYANG KAPANGYARIHAN AT KAKAYANANG MAGPAGALING NG SAKIT O KARAMDAMAN AT KAPANGYARIHAN AT KAKAYANAN DIN NI KRISTO HESUS NA MAG-ALIS NG MASAMANG ESPIRITU O DEMONYO SA KATAWANG NG ISANG TAO O NASASAPIAN NG DEMONO.  GAGALING ANG SINUMANG MAY MALAKING PANANALIG KAY KRISTO HESUS ANUMANG KARAMDAMAN KAHIT WALANG MEDESINA LALO NA ANG MGA SAKIT NA WALA NG LUNAS.  SA PANANALIG DIN KAY KRISTO HESUS ANG SINUMANG MAHAL NATIN SA BUHAY AY NAAALIS NYA ANG PAGSAPI NG MGA DEMONYO ANG MGA PANGYAYARING ITO AY NAGPAPATUNAY SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS LABAN SA MGA DEMONYO O PAGKALABAN SA MGA MASAMANG ESPIRITU. 

SA ATING MODERNONG PANAHON NGAYON NA NASA KALANGITAN NA ANG BANAL NA PANGINOONG KRISTO HESUS AY LALONG HIGIT NA TAYO AY BIBIGYAN NYA NG BLESSINGS KUNG TAYO AY NANALIG SA KANYA. KUNG TAYO AY MAY KARAMDAMAN MANALIG TAYO KAY KRITO HESUS UPANG GUMALING TAYO AT DAPAT TAOS PUSO AT MALAKING PANANALIG AT NAGSISI TAYO AT NAGPAPAKUMBABA SA DIYOS AT BANAL NA PANGINOONG HESU-KRSITO.  ANG ILANG NANALIG AY HINDI AGAD NAIIBIGAY ANG PAGGALING DAHIL SA KULANG ANG PANANALIG NATIN SA DIYOS AT PANGINOONG KRISTO HESUS AT ANG DIYOS ANG NAKAKAALAM NG MGA NANGAYAYARI.


KAHIT MAY MEDISINA PA AY KUNG HINDI RIN LOLOOBIN NG DIYOS NA GUMALING ANG ISANG TAO AY HINDI RIN GAGALING.  ANG MEDISINA AY GINAWA NG DIYOS UPANG MAPANGALAGAAN DIN NATIN ANG ATING SARILI SA ATING KAKAYANAN AT WAG DING KALIMUTAN ANG PANANALIG.  NALULUGOD ANG DIYOS NA GAMITIN NATIN DIN ANG MEDISINANG KANYANG IBINIGAY SA ATIN SBUBALIT SA NGAYON YUNG MGA TAONG MAY PAMBILI LAMANG ANG NAGAGAMOT AT ANG MAHIHIRAP AY PAWANG LUMULUBHA.  ANG MGA BAGAY NA ITO MATUTO TAYONG TUMULONG SA KAPWA MAGBIGAY NG MEDISINA O LIBRENG KAGAMUTAN O TULONG KAGAMUTAN PARA SA KAPWA AT KALULUGAN NG DIYOS ITO WAG NATING TUYAIN ANG ANG ATING KAPWA NA KUNG WALA KANG PERA MANALIG KA NA LANG.  GAYUNPAMAN AKING HINIHIKAYAT ANG LAHAT NG MAHHIRAP NA LAKIHAN ANG PANANAMPALTAYA SA DIYOS NA PROTEKAHAN ANG ATING KALUSUGAN UPANG HINDI TAYO MAGKASAKIT AT KUNG DAPUAN MAN GUMALING AGAD SA ATING PANANAMPALATAYA AT IPAGDASAL PALAGI ANG MAHAL AT SA BUHAY AT KAPWA NG PROTEKSIYON NG DIYOS.


 KUNG BINIGYAN KAYO NG KAKAYANAN NA MAGPAGALING SA PANANALIG TULUNGAN ANG KAPWA KUNG SA SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN TUMULONG DIN.  MARAMI SA ATIN ANG MAHINA DIN ANG PANANALIG KUNG KAYAT NANGYAYARI ANG SIYENTIPIKONG OCCURRENCES KUNG MAY SAKIT AT YUNG EXTRA NA KABABALAGHAN SA FAITH AY HINDI NATIN NAKAKAMTAN.  SADYANG MAY BINIGYAN NG KAKAYANANG MAGPAGALING SA DASAL AT SIYENTIPIKONG ALAM NA PAMAMARAAN SA TULONG NG MGA TUKLAS NA MEDISINA AT MGA HERBAL AT MGA LIKHA NG DIYOS.  ANG LAHAT NG TAO AY BINIGYAN NG KAKAYANAN DIN NA ANG MAY SAKIT AY ATING TULUNGAN PAGALINGIN AT DASALAN, HINDI LAMANG MAY SAKIT ANG NANALIG PARA PAGALINGIN SILA KUNDI TAYONG KAPWA TAO TAYO AY KASAMA UPANG BIGYAN SILA NG PAGKAKATAON PARA MABUHAY.  ANG KAUNAUNAHANG NAGBIBIGAY SA ATIN NG PAGKAKATAONG ITO AY MAHAL NATIN SA BUHAY O KAPAMILYA KUNG TAYO AY MAY SAKIT.

SANAY ALAGAN NATIN ANG ATING SARILI UPANG HINDI TAYO MAGKASAKIT, KALIMITAN NAGKAKAMALI AT NAGPAPABAYA TAYO SA ATING KALUSUGAN. MARAMI DIN SA ATIN ANG BIKTIMA NG ATING KAPWA KAYA NAGKAKASAKIT NAWAY ANG MGA GANITONG NANGYAYARI AY PROTEKTAHAN SILA NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AT BANAL NA SANTA MARIA.  SANAY YUNG GOBYERNO AY ALAGAAN ANG KALUSUGAN NG ATING BAYAN AT SUPORTANG BIGYAN NG PAGKAKATAON MABUHAY ANG TAONG BAYAN AT MAGING MALUSOG.


KUNG ANG PANANALIG MO AY KAGAYA NG MGA SINASABI NG BIBLE AY GAGALING KA AGAD SA ANUMANG KARAMDAMAN MO.  ANG DASAL AT SIYENTIPIKONG MEDISINA AY MAKALULUNAS SA ATING KARAMDAMAN. MANALIG KAY KRISTO HESUS NG MALAKI PARA IBLESSS TAYO NG KABALAGHANG MAPAGALING ANG KARAMDAMAN.  SA AKING PANANALIG SA DIYOS NAWAY ANG KALIWANAGAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AY MAGPAGALING SA INYO NG KARAMDAMAN AT ANG LIWANAG NG DIYOS AT KRISTO HESUS KAY BANAL NA SANTA MARIA.




MULI AY SANAY NAGABAYAN KO NA NAMAN KAYO NG KALIWANGAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS SA ARAL NIYANG ITO AT GABAY NG ESPIRITU SANTO AT SANAY ANG LIWANAG NG DIYOS O MILAGRO SA KALIWANGAN AT NG BANAL NA SANTA MARIA AT ANUMANG MILAGRO AY SUMAINYO DIN AT ATIN ITONG MASAKSIHAN NG SAMA SAMA HINDI LAMANG SAKIN SA AKING PANANALIG SA DIYOS AMA AT PANGINOONG JESUS KRISTO AT BANAL NA ESPIRTU SANTO AT  BANAL NA SANTA MARIA. NAWAY ANG MILAGRO SA ARAW AT LIWANAG O APARISYON NG BANAL NA SANTA MARIA AT ANUMANG LIWANAG AT KABABALAGHAN NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AY MASAKSIHAN DIN NINYO PAG NAGSAGAWA AKO NG PRAYER RALLY O PAG SUMISIMBA AKO AT NAGDARASAL O SAAN MAN AKO NAROON O MANALIG DIN KAYO NG HUSTO UPANG GABAYAN DIN KAYO NG HIMALA..


SANA'Y ATING PAIRALIN ANG MAKADIYOS AT MAKATAO AT MABUTING LIPUNAN.  MULA SA MABUTING BALITA O SALITA NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS SANAY MAKAPAGPABUTI SA INYO AT PARA SA INYONG ESPIRITWAL NA KALIGTSAN SA KINABUKASAN. SANAY DI MAGDILIM ANG INYONG PANINGIN AT PANANAW SA KALIWANAGANG ITO NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS AT TULONG NI SANTA MARIA.
 
 

GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL....


0 comments:

Post a Comment

 

UNTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY

INTERFAITH UNITY