TEACHING OF FAITH
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng linggo, pumunta si Maria Magdalena at ang isa pang Maria sa libingan ni Jesus upang tingnan ito. 2 Biglang lumindol nang malakas sapagkat bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon. Iginulong nito ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. 3 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit. 4 Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay.
5 Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang hinimlayan niya. 7 Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”
8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon.”" Mateo 28:1-9
"19 Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” 22 Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. 23 Kung- patatawarin ninyo ang mga kasalanan ninuman ay pinatawad na ang mga iyon, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad." Juan 20:19-23
ANG MGA PAHIWATIG NA HIMALA MULA KALIWANAGAN AT MILAGRO NG APARISYON NI BANAL NA SANTA MARIA MULA DIYOS AT KRISTO HESUS AY SANAY MAKAGABAY AT TULONG SA INYONG PANANALIG AT MAAKAY KAYO SA MABUTI AT SANAY TULUYAN NA ANG KALIWANAGANG MILAGRONG GABAY NI SANTA MARIA AT APARISYON AY MAGMILAGRO MULA ATING PANANALIG AT PROMOSYON SUBALIT HIGIT NATING NASAIN NA SUMUNOD AT MANALIG SA BIBLIYA O ARAL AT SALITA NG DIYOS HANGGANG KAY KRISTO HESUS NA NAGPAKASAKIT AT ISINUGO NA SA IBAT IBANG PANAHON PARA SA GABAY NG BIBLE SA PAMUMUHAY NATING ITO SA PANAHONG ITO AT SANAY BIYAYAAN TAYO NG HUSTO SA PAGHIHIMALANG ITO AT GABAYAN TAYO SA ATING HENERASYON HANGANG TAKDANG PANAHON AY MAGLIWANAG SA ATIN ANG DIYOS NGAYON PA LANG.
KAAGAPAY NG KALIWANAGAN NI MOTHER MARY AT APARISYON AY HINIHIKAYAT NG THE BIBLE ANG LIPUNANG PILIPINO IN ALL CLASSES MULA MAYAMAN AT MAHIRAP AT MAGING PAMAHALAAN NA MAGKAISA AT SUPORTAHAN ANG PEACE PROCESS AT PAGREREPORMA NG ATING BANSA MULA PULITIKA AT EKONOMIYA ETC., ETC., NG PAMAHALAAN O GPH AT CPP-NPA-NDF AT MAGING SA GPH - MILF BBL PASSING AT ITO AY MAIPATUPAD NG PAMAHALAANG DUTERTE SA KASALUKUYAN AT MAMUHAY TAYONG LAHAT NG PATAS AT MAPAYAPA. ANG PEACE TABLE AY RIGHT VENUE PARA SA PAGBABAGO. ITO NA ANG PANAHON PARA DIYAN.... SANA'Y ATING PAIRALIN ANG MAKADIYOS AT MAKATAO AT MABUTING LIPUNAN.
GOD AND JESUS CHRIST AND MOTHER MARY LIGHTS BLESS YOU ALL








0 comments:
Post a Comment